-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng Tokyo Olympics basketball ang Team USA matapos talunin sa quarterfinals game kanina ang Team Spain, 95-81.

Nanguna sa opensa ng mga NBA players ng Amerika si Kevin Durant na kumamada ng team-high na 29 points.

Noong unang bahagi ay naging dikitan pa sa score ang dalawang teams at sa half-time abanse ang Europeans 43-42.

Gayunman bumawi ang USA sa panguna ng Brooklyn Nets star pagsapit ng third hanggang 4th quarter.

Lima pang teammates ni Durant ang nagpakita din ng double digits score.

Nanguna naman sa World Cup champion na Spain ang NBA player din nila na si Ricky Rubio.

Sunod na makakaharap ng US ang mananalo sa pagitan ng Argentina at Australia.