-- Advertisements --
brooklyn nets harris

Nagpaulan ng three point shots ang Brooklyn Nets upang itumba ang Atlanta Hawks sa score na 117-108.

Umabot lahat sa 22 ang naipasok ng Nets na three points para sa kanilang ika-limang panalo.

Nanguna ang NBA superstar na si Kevin Durant sa opensa na may kabuuang 32 points, seven rebounds at five assists sa kanyang all-around game.

Malaking tulong din ang ginawa ni Joe Harris na may anim na 3-point shots at si James Harden na nagpakawala ng 16 na puntos at 11 assists.

Ayon kay Harden, habang tumatagal ay gumaganda ang kanilang teamwork.

Sa panig ng Atlanta hindi naman umubra ang ginawa ni Trae Young kahit meron itong halos triple double performance gamit ang 21 poins, 10 assists at 9 rebounds.