-- Advertisements --

Kahit pabalik balik man sa injury, wala pa ring kupas sa kanyang muling paglalaro ang NBA superstar na si Kevin Durant nang pangunahan ang panalo ng Brooklyn Nets laban sa isa pang karibal na top team na Phoenix Suns, 128-119.

Bagamat hindi kasama si Durant sa starters ng Nets, tumipon pa rin ito ng 33 points sa loob ng 28 minutos.

Bago ito, tatlong games din na nawala muli si Durant.

Ito na ang ika-41 panalo ng Brooklyn, habang nanatili sa 42 ang Phoenix.

Ang dalawang teams ay kabilang sa nagunguna sa Western at Eastern conference.

Samantala tumulong din naman sina Kyrie Irving na may 34 points at si Blake Griffin ay nagdagdag ng 15 para sa Nets.

Ang dating NBA MVP na si James Harden ay hindi pa rin nagbabalik sa game dahil sa injury.