Minultahan ng $50,000 (estimated P2.9-M) ng NBA si Brooklyn Nets star player Kevin Durant dahil sa mga masasamang salita nito sa social media.
Ayon sa NBA, isang malaking pagkakasala sa kanilang liga ang paggamit ng isang player ng mga masasamang pananalita.
Naganap ang nasabing insidente nang ilabas ng komedyante at actor na si Michael Rapaport ang screenshot ng conversation nila ng Nets star kung saan nakapagbitiw ito ng mga masasamang salita.
“Brooklyn Nets forward Kevin Durant has been fined $50,000 for using offensive and derogatory language on social media,” bahagi nang anunsiyo ng NBA. “Durant has acknowledged that his actions were inappropriate.”
Pinuna kasi ng actor ang maling asal ni Durant sa panayam sa kaniya matapos ang laro noong Disyembre.
“I receive threats and disgusting messages DAILY, but never in my wildest dreams did I think (KD) would be among them,” pahayag ni Rap.
Nauna ng nagpahayag ng pagsisisi at paumanhin ang Nets star.