Muling binitbit ni NBA superstar Kevin Durant ang Brooklyn Nets sa panibagong panalo laban sa Philadelphia 76ers, 114-105.
Todo kayod ang ginawa ni Durant na nagbuhos ng 34 points, 11 rebound at eight assists, lalo na at kulang sila ng pitong players dahil karamihan ay nasa quarantine pa rin.
Sa nakalipas na dalawang games tumipon din si Durant ng 51 points para sa kanilang panalo.
Sa ngayon gumana pa ang record ng Brooklyn sa 21-8 win-loss.
Sinuportahan naman si Durant nina Blake Griffin at Nic Claxton na kapwa may season-high na tig-17 points.
Sa ngayon nangunguna na sa Eastern Conference ang Brooklyn kasunod din ng apat na sunod na panalo.
Sa panig ng Sixers angat pa rin si Joel Embiid sa kanyang 32 points, nine rebounds at six assists pero nalasap ng team ang ika-tatlong sunod na talo para masadlak sila sa 15-15 kartada.
Samantala, ito na ang ikalawang game ng Nets na wala sina James Harden, LaMarcus Aldridge, DeAndre Bembry, Bruce Brown, Paul Millsap, Jevon Carter at James Johnson.