Usap-usapan ngayon sa mga basketball fans ang big performance ng superstar na si Kevin Durant nang magtala ng 51 points sa panalo ng Brooklyn Nets laban sa Detroit Pistons, 116-104.
Liban sa pagbuhos nang pagbati, marami pa ring ginulat si Durant na kapwa mga players lalo na sa kanyang edad na 33-anyos.
Una rito, todo kayod ang ginawa ni Durant lalo na at hindi nakalaro si James Harden para kanilang kabuuang ika-19 na panalo.
Liban sa walang humpay na puntos, nagposte rin ito ng nine assists at seven rebounds sa kanyang all-around game.
Ayon sa kanyang teammate na si Patty Mills, malaking karangalan na makasama sa court ang pambihirang player tulad ni Durant.
Tinawag naman ni Brooklyn coach Steve Nash na “incredible” ang ginawa ni Durant.
Binasag din ni Durant ang dating mga records ng kanyang teammates na sina Blake Griffin at Kyrie Irving sa Little Caesars Arena sa Detroit.