Dinomina nang nagbababalik na NBA superstar na si Kevin Durant ang buwena manong panalo ng Brooklyn Nets laban sa dati niyang team na Golden State Warriors, 125-99.
Inabot din ng 18 buwan na nawala si Durant dahil sa kanyang injury pero agad na nagpakitang gilas sa kanyang 22 points sa loob lamang ng 25 minutes.
Hindi rin nagpahuli ang bago niyang partner na nanggaling din sa injury at dati ring MVP na si Kyrie Irving na naging top scorer nang magtala ng 26 points sa paglalaro ng 25 minutes.
Ang dalawa ay hindi na pinabalik sa fourth quarter nang makita ng bagong coach ang basketball legend na si Steve Nash nang tambakan na nila ang dating nagkampeon ng anim na beses sa NBA.
Nagpakita naman ng all around game ang two-time NBA Finals MVP na si Durant na may five rebounds, three assists, three steals at walang paltos sa free throw line.
“I know it’s a lot of emotions,” ani Durant sa postgame interview. “I try not to make too big of a deal of this whole thing, I’ve been playing since I was eight years old.”
Mistulang hindi nawala ang tikas ni Durant, 32, at hindi pinatawad ang dating koponan nang mag-dunk, nandoon din ang pamosong mid-range jumpers, one handed slams at ang pamatay niya na three point shots.
Sa panig naman ng Warriors ang nagbabalik din na dating MVP na si Stephen Curry ay nasayang ang 20 points at 10 assists.
Marami rin namang humanga sa isa pang player ng Warriors na 7-footer, at No. 2 pick sa draft na si James Wiseman na nag-ambag ng 19 points at six rebounds.
Nagpadagdag sa kamalasan ng Warriors ang hindi paglalaro ni Draymond Green bunsod nang sore right foot.
Si Klay Thompson naman ay nasa rehab process pa rin.