-- Advertisements --

Mistulang pasalubong ang bagong panalo ng Brooklyn Nets sa bago nilang teammate na si James Harden na lumipat mula sa Houston Rockets.

Nanguna sa kanyang all-around game si Kevin Durant na may 26 points upang itala ng Brooklyn ang ikapitong panalo sa kabila na siyam lamang silang mga players.

KD Durant Nets
Kevin Durant @BrooklynNets

Para naman sa Knicks ito na ang ikaapat nilang sunod na talo (5-7).

Nanguna sa game ng New York ay sina Julius Randle na may 30 points at si RJ Barrett na nag-ambag ng 20.

Sa ngayon hindi pa naman maglalaro sa Nets si Harden makaraang mabuo ang blockbuster deal.

Kailangan pa kasi ang pag-apruba rito ng NBA.

Ang nakakagulat na paglipat ni Harden ay naging trending tuloy sa mundo ng basketball lalo na at makakabuo raw ang Brooklyn ng superteam, dahil sa pagsama-sama ng mga “big three” na sina Harden, Durant at Kyrie Irving.

Para naman kay Durant, umiwas muna itong pag-usapan.

Si Irving naman, nasa ikalimang games na hindi pa rin nakakalaro bunsod ng personal umanong kadahilanan.

Sinasabing tatlong mga players ng Nets na sina Caris LeVert, Jarrett Allen atd Taurean Prince ang mawawala kapalit ni Harden.