Umusad na ang USA team sa knockout stage ng Tokyo Olympics basketball matapos ilampaso ang Czech team, 119-84.
Ito na ang pangalawang sunod na panalo ng US makaraang tambakan din ang Iran. Pero sa unang game natalo sila ng France.
Magsisimula ang quarterfinals games sa Martes.
Sa naging panalo ng US sa Czech kung saan bumida sa score si Jason Tatum na may 27 points, umagaw naman nang atensiyon ang Olympics veteran na si Kevin Durant.
Kumamada si Durant ng 23 points na may eights rebounds at anim na assists.
Naiposte ni Durant ang pagiging US all time leading scorer sa Olympics upang lampasan si Carmelo Anthony.
Sa kabuuan nakatipon si Anthony ng 336 points para pumalangawa na, habang pangatlo si LeBron James na may record na 273 points.
Ito na ang ikatlong Olimpiyada ni Durant.