-- Advertisements --

Ipinalabas sa kalagitnaan ng unang quarter pa lamang si Brooklyn Nets star Kevin Durant matapos na magtamo ng left thigh contusion sa laro nila laban sa Miami Heat.

Nagtala ng 8 points si Durant bago ito palabasin sa playing court sa natitirang 7:57 minutes.

Nasaktan ang kaniyang hita ng mabangga niya si Heat forward Trevor Ariza nang ito ay mag-drive.

Magugunitang bumalik sa game si Durant noong Abril 7 matapos ang 23 laro na hindi paglalaro dahil sa hamstring injury.

Sa kabuuan umaabot na sa 33 games na bigong makalaro si Durant mula sa 57 games ng Brooklyn.

Sa kanilang match up kanina, nasilat ng Miami ang Nets 109-107 kung saan naging bayani si Bam Adebayo sa ika-29 na panalo ngayong season.

Ang Nets ay may kartada na 38-19 win-loss record.