-- Advertisements --

Maraming mga fans ang nanghihinayang na hindi na naman nila masisilayan ang paglalaro ng isa sa bigating basketball star na si Kevin Durant ng Brooklyn Nets sa gaganaping NBA All-Star Game sa susunod na linggo.

kevin durant KD nets
Kevin Durant (photo from @BrooklynNets)

Kinumpirma ni Brooklyn head coach Steve Nash, magpapagaling muna si Durant hanggang sa matapos ang All-Star break dahil sa left hamstring.

Bago ito, inaasahan sana ng team na makakabalik na sa paglalaro si Durant bago ang All-Star Game.

Kabilang ang coach at basketball legend na si Steve Nash na dismayado na hindi makakalaro si Durant bilang isa sa team captains.

Tinawag pa ni Nash na “amazing basketball player” si Durant na nitong nakalipas na mga performance ay muling ipinakita ang kanyang vintage MVP level na games.

Samantala, papalitan naman si Durant sa All-Star team ng Indiana Pacers forward na si Domantas Sabonis.

Naidagdag din si Boston Celtics forward Jayson Tatum sa mga pool of starters.

Una nang lumutang na sa March 7 ang petsa sa gaganapin NBA All-Star Game sa estado ng Atlanta.