Ayaw umanong ilagay sa isip ni Kevin Durant na “big deal” ang unang game niya sa kanyang pagbabalik makalipas ang 18 buwan mula sa injury.
Ginawa ni Durant ang paliwanag matapos na umani ito nang paghanga dahil sa mistulang hindi pa rin nawawala ang “all-out brilliant game” nito.
Una rito, sa loob lamang ng 25 minutes na paglalaro sa panalo ng Brooklyn Nets nagtala si Durant ng 22 points upang tambakan nila ang dati niyang team na Golden State Warriors, 125-99.
Paliwanag naman ni Durant, ang tanging naiisip niya ay tuloy-tuloy lamang ang kanyang laro mula pa noong siya ay walong taong gulang sa kabila ng halos dalawang taon din siyang nawala sa NBA dulot nang pagpapagaling sa kanyang injury.
“I know it’s a lot of emotions,” ani Durant sa postgame interview. “I try not to make too big of a deal of this whole thing, I’ve been playing since I was eight years old.”
Ayon pa sa dating two-time Finals MVP, wala na siyang dapat patunayan sa kanyang game at sinusunod lamang niya ang nais ng kanilang coach.
“I don’t have to show anybody anything,” wika pa ni Durant. “I don’t wanna prove myself but do whatever my coach wants me to do. Any given night I can showcase my full skill set.”
Naintindihan naman daw ng bago nilang coach at NBA legend na si Steve Nash ang dinaraanan ng kanyang star player.
Umiiwas lamang daw si Durant na “ma-carried away” at sa halip nag-e-enjoy daw ito sa kanyang magandang kalusugan ngayon at paglalaro.
“I don’t expect every night to be amazing,” pahayag pa ni coach Nash. “He needs time to adapt.”
Samantala, ang big performance ni Durant kasama ang ka-tandem na si Kyrie Irving na naging top scorer ng Nets na may 26 points ay umani rin nang papuri sa isa pang legend na si Earvin Magic Johnson.
“KD and Kyrie put on a great performance in their blowout win over the Warriors 125-99! I’m now looking forward to the ring ceremony for the World Champion @Lakers and their matchup vs. the Clippers!!”