-- Advertisements --
KEVIN DURANT 1

Umalma si NBA superstar Kevin Durant sa puna ng ilang mga kritiko na mas gumaling daw ngayon ang Golden State Warriors dahil wala siya sa team.

Kung maalala umusad na muli sa ikatlong sunod na taon sa NBA finals ang Warriors kahit hindi naglaro sa semifinals si Durant dahil sa injury o strained right calf.

Ayon kay Durant, hindi umano ito totoo at walang basehan na sabihin na mas maigi na wala siya sa kampanya ng defending champion para hindi masira ang diskarte.

Aminado si KD na may mga tao sa labas ng kanilang organisasyon na ayaw siyang mapasama sa grupo.

Depensa naman ni Durant, bahagi na siya ng kultura ng Warriors “on and off the court.”

Binigyang diin pa nito na sa simula’t simula pa ay alam naman ng lahat ang kanyang abilidad at ang kanyang naitutulong sa koponan.

“It’s been that way since I got here — ‘It’s the Warriors and KD.’ I understand that, and I felt like my teammates and the organization know exactly what I’ve done here off and on the court to become a part of this culture, stamp my flag in this culture and this organization,” ani Durant. “My perspective is just, like, I want to focus on rehab, but I also want to be a fan of my teammates. I want to enjoy my teammates from a different view.

Sa ngayon, todo ang pagpapagaling ni Durant upang makahabol sa pagsisimula ng NBA Final sa May 30.

Hanggang ngayon kasi ay wala rin siyang kasiguraduhan sa maagang pagbabalik.

Samantala, dinepensahan din naman ni Stephen Curry ang mahalagang ginagampanan ni Durant sa team.

“If it’s KD playing well, it’s, ‘Oh, they’re playing a different style, and it’s not as fun to watch,’ or when he’s out, and we’re winning games, it’s ‘Oh, are we better, more fun?’ Whatever the question is, we hear it all the time,” giit pa ni Curry.