-- Advertisements --

Inamin ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na binigyan niya ng rekumendasyon si dating Marawi Mayor Omar Solitario na may standing warrant of arrest para makabiyahe at makipag usap kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sa isang pahayag na ipinadala ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ipinaliwanag ng kalihim na ang pagbibigay niya ng rekumendasyon sa dating alkalde ay para ligtas itong makabiyahe at makipagkita kay Sec. Lorenzana.

Si Solitario ay kabilang sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bago pa man sumiklab ang labanan sa Marawi umalis na dito ang dating alkalde.

Si Dureza ang head ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) at Peace Adviser on the implementation of Matial Law in Mindanao.

Sinabi ni Dureza na matagal na niyang kilala si Solitario at nag alok pa ito ng tulong para labanan ang Maute group sa Lanao del Sur.

Ang planong pakikipagkita ni Solitario kay Sec Lorenzana ay para pag usapan kung ano ang pwede niyang maitutulong sa gobyerno, pero dahil kabilang ang kaniyang pangalan sa sa arrest order hindi ito basta basta maka biyahe kaya ito ang dahilan nagbigay ng rekumendasyon si Dureza.

” During our cabinet security cluster meeting at Camp Aguinaldo, I was furnished copies of the clearances signed by Sec Lorenzana and I emailed copies to former Iligan Mayor Franklin Quijano to pass them on to Omar Solitario,” mensahe ni Dureza.

Dagdag pa ng kalihim, “I also later called Solitario that he should directly arrange a meeting with Lorenzana as OPAPP does not get involved in the Armed Forces of the Philippines’ operational matters.

Magugunita na nuong June 23 nasabat ng mga pulis ang nasa P10 million halaga ng shabu sa bahay ni Solitatio na sinasabing financier ng ISIS-inspired Maute extremist group sa Marawi City.