-- Advertisements --

Maaaring natural na nangyari ang mga nadiskubreng tambak na durog na mga coral malapit sa sa Sabina shoal o kilala din sa tawag na Escoda shoal sa West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni Dr. Jonathan Anticamara, marine scientist mula sa University of the Philippines Institute of Biology na nagtungo sa lugar para magsagawa ng marine scientific survey.

Natanong din sa isang pulong blitaan ang marine scientist kung mayroon ngang reclamation activities sa Escoda shoal matapos na sabihin ng Philippine Coast Guard na ang durog na mga coral ay itinatambak bilang paghahanda para sa island-building ng China.

Aniya, hindi 100% sigurado kung mayroon ngang pagtatapon ng corals o reclamation sa lugar dahil hindi nakita ang China na nagtatapon sa lugar bagamat naobserbahan aniya sa mga nakalipas na taon ang dumadaming tambak na durog na corals.

Paliwanag pa ng marine scientist na sa lawak ng nasira o patay na corals sa naturang shoal maaaring ito ay dahil sa mga bagyo na tumama sa lugar.

Bagamat muling iginiit ng marine scientist na ang mga coral sa Escoda shoal ay halos 100% ng patay sa gitna ng naobserbahang lawak ng coral bleaching.

Wala naman pa sa ngayong sapat na ebidensiya para masabi na kagagawan ng China ang nadiskubreng malawak na pinsala sa mga coral sa lugar.

Kaugnay nito, inirekomenda ni Anticamara na dapat gumawa ng kongkretong mga hakbang para mabawi at mabuhay muli ang nasirang coral reefs sa PH.