-- Advertisements --
Rutger Hauer
Rutger Hauer

Pumanaw na ang Dutch actor na si Rutger Hauer sa edad 75.

Ito ang kinumpirma ng kaniyang agent matapos na makaranas ng hindi na binanggit na sakit sa Netherlands.

Nakilala si Hauer sa pelikulang “Blade Runner” na ipinalabas noong 1982 na pinagbidahan noon ni Harrison Ford.

Gumanap din ito bilang bampira sa pelikulang Dracula 3D at sa pelikulang “Salem’s Lot”.

Kabilang sa mga pelikula kung saan ito lumabas ay ang Sin City, Batman Begins at TV series na “True Blood”.