-- Advertisements --
Dinala sa pagamutan si Dutch athlete Maureen Koster matapos na mawalan ng madapa sa kasagsagan ng marathon.
Naganap ang insidente sa 3,000 meters final ng European Indoor Championships sa Apeldoom, Netherlands.
Ang two-time Olympian ay natumba matapos na masagi ng kapwa runner sa 1,000 meters .
Nagpagulong-gulong ang 32-anyos na runner kung saa tumama pa sa semento ang ulo nito.
Matapos ang ilang oras na pananatili sa pagamutan ay nanumbalik na ang kaniyang diwa.
Sa social media account nito ay hindi siya makapaniwala sa pangyayari.
Nagpasalamat na lamang siya dahil sa hindi matindi ang pinsala na kaniyang natamo.