Nagbitiw sa pwesto si Dutch Foreign Prime Minister Sigrid Kaag na may kaugnay sa Afghan evacuation noong nakalipas na buwan.
Ito ay matapos kondenahin ng parliament si Kaag dahil sa umano’y palpak na pangangasiwa nito sa evacuation ng mga refugee mula Afghanistan.
Inaprubahan ng mga miyembro ng parliament ang isang mosyon na bumabatikos sa kanilang gobyerno dahil sa mabagal na pagresponde sa mga Afghan refugees at sa matagal na pagtugon sa mga banta ng insurhensiya ng Taliban.
Dahil dito, walang nagawa ang opisyal kundi bumaba sa kaniyang pwesto.
Ang resignation ng Dutch foreign prime minister ay kasunod ng pag-demote ni UK Prime Minister Boris Johnson kay UK Foreign Sec. Dominic Raab na matiniding binatikos dahil sa pagbabakasyon nito habang nangyayari ang gulo sa kabul.
Si Kaag ang unang foreign minister na nagbitiw dahil sa Afghan evacuation crisis bunsod ng pag-takeover ng Taliban sa Afghanistan.