-- Advertisements --
Pinayagan ng Dutch government na magkaroon ng fans sa taunang Eurovision Song Contest.
Gagawin ang taunang musical extravaganza sa Ahoy Arena sa Rotterdam sa buwan ng Mayo.
Ayon sa organizer ng nasabing event na mayroong 3,500 na mga fans lamang ang papayagan na manood ng personal.
Dadaan aniya ang mga ito ng COVID-19 testing bago makapanood ng nasabing event.
Magugunitang noong nakaraang taon ay kinansela ang event dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Nauna ng pinayagan ang 5,000 na fans sa Netherlands na manood sa World Cup Football qualifiers sa araw ng Sabado.