-- Advertisements --

Sabay-sabay na nagbitiw sa puwesto ang gobyerno ni Dutch Prime Minister Mark Rutte dahil sa umano’y mismanagement ng childcare subsidies.

Ayon kay Rutte, isinumite na nila ang kanilang resignation kay King Willem-Alexander.

Mananatili naman ang gabinete sa isang caretaker capacity upang mangasiwa sa coronavirus crisis sa ngayon.

Nakatakda namang magsagawa ng halalan sa bansa sa darating na Marso 17.

Ang mass resignation ay kasunod ng parliamentary inquiry noong nakalipas na linggo kung saan napatunayang nagkamali ang mga bureaucrats sa tax service sa pag-akusa ng panloloko sa mga pamilya.

Batay sa inquiry report, nasa 10,000 pamilya ang napilitang magbayad ng subsidiya na aabot sa libu-libong euros, kung saan ang ibang kaso ay nauwi pa sa pagkawala ng trabaho, pagkabangkarote, at diborsyo. (Reuters)