-- Advertisements --

BRUSSELS, Belgium – Malaking hamon ang haharapin ni outgoing Dutch Prime Minister Mark Rutte.

Ito’y matapos siyang pangalanan bilang magiging susunod na secretary general ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Sa isang pahayag na inilabas ng alliance, ang appointment ni Rutte ay dumating pagkatapos umatras ni Romanian President Klaus Iohannis.

Ang termino ng kasalukuyang Secretary General na si Jens Stoltenberg ay matatapos sa Oktubre 1, 2024.

Si Rutte ay magmamana ng isang NATO na nahaharap sa hamon upang palakasin ang sarili nitong seguridad habang sinusuportahan din ang pagtatanggol ng Ukraine laban sa pagsalakay ng Russia.

Ang alyansa ay naninimbang dahil sa muling pag-aarmas at pagtaas ng paggasta ng militar habang iniiwasan ang tension sa Moscow upang hindi humantong ang sitwasyon sa malaking security concern. (CNN)