-- Advertisements --

Nagpapatuloy na ng Belt and Road Initiative forum sa Beijing, China, na dinadaluhan ni Pqngulong Rodrigo Duterte.

Bandang alas-9:30 kaninang umaga ang opening ceremony sa China National Convention Center at sinundan kaninang alas-11:30 ng umaga ang High Level Meeting Session I.

May delegation lunch naman bandang ala-1:00 ngayong hapon bago ituloy ang High Level Meeting Session II.

Mamayang alas-4:00 ng hapon, may courtesy call ang mga Chinese Conglomerates kay Pangulong Duterte at Signatories of Business Agreements.

Sasaksihan naman ni Pangulong Duterte mamayang alas-4:15 ng hapon ang Exchange of Business Agreements sa pangunguna ng Department of Trade and Industry.

Bukas, isa si Pangulong Duterte sa mga piling speakers sa Leaders’ Roundtable kung saan maglalabas ng joint communiquè ang mga 40 leaders.