Nakakuha ang Duterte administration ng panibagong record-high net satisfaction rating +72 sa First Quarter 2019 Survey ng Social Weather Stations (SWS).
Isinagawa ang nasabing survey noong Marso 28 hanggang 31sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,440 respondents sa buong bansa kung saan 360 pareho mula sa Balance Luzon, Visayas at Mindanao.
Batay sa survey, nakakuha ang Duterte administration ng kabuuang 81 percent satisfaction habang siyam na porsyento ang hindi kontento o net satisfaction rating na +72.
Sa survey, inaalam ang rating ng Duterte administration sa 11 performance subjects na tinatawag ng SWS na Governance Report Card.
Kabilang dito ang Helping the poor (+72, excellent); Reconstructing Marawi City (+58, very good); Fighting terrorism (+58, very good); Fighting crimes (+48, good); Reconciling with communist rebels (a new record-high +45, good); Reconciling with Muslim rebels (+44, good); Eradicating graft and corruption (+41, good); Foreign relations (+41, good); Defending Philippine sovereignty in the West Philippines Sea (+40, good); Ensuring that no family will ever be hungry (+37, good); and Fighting inflation (+22, moderate).