-- Advertisements --

Nais lamang umano tumakas ng Duterte administration sa treaty obligations kaya nagbabalak na kumalas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) at putulin ang diplomatic ties sa Iceland.

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, guilty ang Duterte administration sa ibinibintang na extra-judicial killings (EJK) at paglabag sa karapatang pantao sa gitna ng kampanya kontra iligal na droga.

Patunay na nga aniya rito ay ang pagtanggi ng Pilipinas na makipagtulungan sa UNHRC, na walang pinagkaiba sa pagtanggi rin ng bansa sa imbestigasyon ng International Criminal Court.

Kaya naman nananawagan si Elago sa pamahalaan na igalang ang resolusyon ng Iceland na kinatigan ng UNHRC at tigilan na ang pananagot sa mga kinatawan ng organisasyon na magsasagawa ng imbestigasyon sa mga EJK cases.