Muling magpupulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at MNLF founding chairman Nur Misuari sa susunod na buwan.
Kinumpirma ito ni Sen. Bong Go sa interview sa Malacañang.
Sinabi ni Sen. Go, Disyembre 6 ang muling pag-uusap nina Misuari at Pangulong Duterte.
Ani Go, makakasama sa itinakdang pulong ang mga opisyal ng MNLF habang may ipinadagdag si Pangulong Duterte na makasama mula sa hanay ng pamahalaan.
Ayon pa kay Sen. Go, kabilang dito ang National Security Adviser, Department of Justice gayundin ang Foreign Affairs Department (DFA).
Maging ang mga personalidad na kabilang sa lagdaan noong Ramos administration sa hanay ng MNLF ay pinapasama rin umano ni Pangulong Duterte.
Nitong Lunes lang ay nagkita ang dalawa sa Malacañang kung saan napagkasunduan ang paglikha ng coordinating body sa pagitan ng pamahalaan at MNLF.