Muling nagpulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari.
Isinagawa ang pulong sa Malacañang na dinaluhan din nina Presidential Adviser on Peace Process Carlito Galvez Jr at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.
Hindi naman nagbigay ang Palasyo ng mga detalye ng pag-uusap nina Duterte at Misuari.
Ito na ang pangalawang pagkikita ng dalawa halos isang buwan na ang huli ay noong Pebrero 25.
Isinagawa ang pagpupulong matapos ang pagbabalik ni Misuari mula sa biyahe niya sa ibang bansa.
Magugunitang inamin ng Pangulo na nakipag-usap siya sa mga police at militar ganoon din ang korte na payagang makabiyahe si Misuari sa ibang bansa.
Agad naman namang dinepensahan ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi personal na kinausap ni Pangulo ang mga nabanggit na ahensiya at sa halip ay may isang tao na inutusan ito ng pangulo.
Nahaharap kasi sa kasong rebellion si Misuari at paglabag sa international huminatarian law dahil sa naganap na 20 araw na pang-aatake sa Zamboanga noong 2013 na ikinasawi ng 200 katao.