Muling nagkita sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari.
Kasama sa nasabing pagpupulong sina Senator Christopher “Bong” Go, Executive Secretary Salvador Medialdea, Presidential Adviser on Peace Process Carlito Galvez Jr at Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.
Hindi naman nagbigay pa ng anumang detalye ang Palasyo sa ginanap na pagpupulong ng mga opisyal kagabi sa Malacañang.
Ito na ang pangatlong beses na nagkita ang dalawa ngayong taon na ang una ay noong Pebrero 25 at Marso 19.
Noon lamang buwang Marso ay nakalabas ng bansa si Nur matapos payagan ng Sandiganbayan na makadalo sa summit ng Organization of Islamic Cooperation Council of Foreign Ministers at 14th Session ng Parliamentary Union of Islamic Cooperation Member States sa United Arab Emirates at Morocco.
Nang mga panahong ‘yon sinabi ni Pangulong Duterte na gumawa siya arrangements o paraan para payagan si Misuari na makadalo sa mga nasabing foreign meetings.