-- Advertisements --

Naging bukas at produktibo ang ginawang pag-uusap nina Russian President Vladimir Putin at Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Malacañang tinalakay ng dalawang pangulo ang tungkol sa paglaban sa COVID-19 pandemic, defense at ekonomiya.

Pinasalamatan ni Pangulong Duterte si Putin dahil sa pagtitiyak nito na pagtulong lalo na sa paglaban sa COVID-19.

Lalo aniyang naging matatag ang defense and security cooperation ng dalawang bansa sa pamamagitan ng regular na pagpapalitan ng kaalaman sa defense, intelligence at sa mga military agencies.

Inimbitahan din ng pangulo si Putin na bisitahin ang Pilipinas.

Umabot sa 30-minuto ang pag-uusap ng dalawang lider na isinabay sa ika-45 taon ng diplomatic ties ng Russia at Pilipinas.