-- Advertisements --

Nakatanggap ng halos patas na porsiyento sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senate President Vicente Sotto III sa mga pinakapinagkakatiwalaan at pinakamahusay na mga public officials sa Pilipinas.

Ito ay batay sa naging resulta ng Pulse Asia survey na isinagawa noong December 1 hanggang December 6, 2021.

Nakapagrehistro ng 71% approval at performance rating si Sotto, mas mataas ng isang porsiyento kumpara sa 70% na kanyang naging rating noong buwang ng Setyembre.

Sa pinakabagong Pulse Asia survey ay muling napatunayan ang pagiging mahusay at consistent performace ni sotto bilang isang government leader.

Ikinagalak naman ng opisyal ang naging tiwala ng taumbayan sa kanya.

Ipinangako rin nito na ipagpapatuloy niya ang kanyang nasimulan hindi lamang bilang isang Senate President kundi bilang isang public servant sa pamamagitan ng paglalagay ng dedikasyon sa kanyang trabaho at pagsasaisip kung paano maiiangat pa ang buhay ng ating mga kababayan.

Samantala, sa ilalim ng pamumuno ni Sotto ay naaprubahan at niratipikahan ng Senado ang 2022 national budget na nakatutok sa pagtugon sa pandemya ng COVID-19 at muling pagbangon ng ekonomiya na bumagsak dahil sa mga ipinatupad na mga lockdown at iba pang mga restrictions bilang pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19 nang tumama ito sa bansa.

Bukod dito ay iniimbestigahan din ng Senado ang mga alegasyon ng katiwalian laban sa mga opsiyal ng ehekutibo at nagpasa ng mga hakbangin upang malabanan ito.

Kamakailan lang ay tahimik na nagpaabot din ng tulong si Sotto sa mga lalawigan na sinalanta ng bagyong Odette.

Si Sotto ay kasalukuyang tumatakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections, ka-tandem ang presidential aspirant na si Sen. Panfilo Lacson.