-- Advertisements --
Nag-usap sa telepono si Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping nitong Huwebes ng gabi.
Ayon sa Chinese embassy sa Manila, tinalakay ng dalawa ang paglaban nila sa coronavirus.
HInangaan ni Xi ang hakbang na ginagawa ni Duterte para labanan ang pagkalat ng COVID-19.
Tiniyak din ni Xi na magbibigay ito ng matinding suporta sa Pilipinas kung anuman ang kanilang kailangan.
Humanga rin ang Pangulong Duterte kay Xi sa mabilis nitong pagkontrol daw ng nasabing virus at tiniyak na magiging kaibigan pa rin ng Pilipinas ang China.
Ngayong taon kasi ang siyang pang 45 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at China.