-- Advertisements --
duterte podium palace
Pres. Duterte

Kinumpirma ng Malacañang na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na gobyerno na lang ang mangasiwa sa hosting ng bansa sa Southeast Asian Games sa darating sa Nobyembre.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, alam ni Pangulong Duterte na may korupsyon kung pribadong foundation ang hahawak nito.

Magugunitang lumabas ang mga report na ayaw ni Pangulong Duterte na ipahawak ang SEA Games sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na iniendorso ni Pangulong Duterte sa pagka-House Speaker ang kasalukuyang chairman ng PHISGOC.

Ayon kay Sec. Panelo, mabuti ring hindi hawakan ni Rep. Cayetano ang SEA Games dahil magiging abala na rin siya daw siya sa Kamara.

Nilinaw naman ni Sec. Panelo na pinagkakatiwalaan pa rin ni Pangulong Duterte si Cayetano at naniniwala itong hindi siya kasama sa korupsyon.