-- Advertisements --

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na barilin na lamang para tuluyuan ng mawala ang bagong variant ng COVID-19 na Omicron.

Sa kaniyang pakikipagpulong sa National Task Force Against Covid-19 na ito ang gusto niyang mangyari para hindi na manalasa pa sa bansa.

Hindi aniya magdadadalawang isip ito na magpatupad ng paghihigpit sa bansa kung dumating na sa Omicron.

Magugunitang maraming mga bansa na kabilang ang Pilipinas sa paghihigpit sa mga biyahero na galing sa South Africa kung saan doon unang nadiskubre ang Omicron.