-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahawakan na ng gobyerno ang pagproseso at pagrecruit ng mga overseas Filipino workers (OFW) para tuluyang matigil na ang mga kaso ng iligal recruitment.
Sa kaniyang talumpati sa Araw ng Pasasalamat sa OFW , ang nasabing hakbang ay isang paraan para hindi na maabuso pa ang mga OFW.
Nilinaw nito na hindi naman talaga nais ng gobyerno na kontrolin ang recruitment process subalit dahil sa pagtaas ng kaso ng mga Filipino na inaabuso.
Kasabay din nito ang plano ng gobyerno na bumuo ng Department of OFW na posibleng mabuo sa Disyembre.
Binalaan din nito ang mga recruitment agencies na umayos sa kanilang trabaho dahil nabibilang na ang kanilang mga araw.