-- Advertisements --
Balik Pilipinas na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang ilang araw na pagdalo sa Belt and Road economic forum at pulong sa mga lider ng China sa Beijing.
Batay sa ulat, pasado alas-12:00 nitong madaling araw nang dumating sa Davao City ang pangulo.
Bago umalis ng China, ibinida ng chief executive ang mga hakbang na ginagawa ng Pilipinas para pagtibayin ang pangangasiwa at pagbabantay sa mga yamang dagat nito.
Aktibo ring nakiisa si Duterte sa roundtable meeting kaugnay ng green and sustainable development na naka-disenyo sa 2030 Agenda on Sustainable Development ng United Nations.
Nauna ng humarap ang pangulo kay Chinese Pres. Xi Jinping kung saan binigyang pansin nito ang arbitral ruling sa West Philippine Sea.