Balak umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumili ng mga armas at warship sa South Korea.
Ito’y maliban pa sa kanyang pagdalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Republic of Korea Commemorative Summit sa darating na Nobyembre 24 hanggang 26.
Sinabi ni Pangulong Duterte, bibili ang Pilipinas sa Korea ng mga armas at corvettes na pinakamaliit na “proper warship.”
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya kailangang umasa lamang sa mga assessment kaya nais niyang peronal na makita ang mga bibilhing armas at warship sa Korea.
Mahalaga rin aniyang dumalo siya sa ASEAN-Korea Summit dahil maraming tulong na paparating sa Pilipinas at matatalakay din ang mga regional issues gaya ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
“And this Korea, sabihin mo — sabi ko sa inyo I hate travelling. I don’t want to travel. It gives me headache and everything, but this is important. You know, so many things at stake,” ani Pangulong Duterte.
“One is that we are buying arms. Second is that there are many assistance on the way, coming. Third is itong Seoul is a vital partner natin. Alam mo kasi ang mga armas ngayon mahal but we can always buy. Our jet planes, ‘yung FA-50 natin galing ano ‘yun. Now, we are buying Corvettes. How do you pronounce it? Corvette or corvey, or whatever. And buy the arms, I will look into the — para hindi ako mag-asa lang sa assessment. Ano ba naman ‘yan, pamasahe.”