-- Advertisements --
Duterte podium seal

Nakatakda umanong bumiyahe sa mga pangunahing tourist destination ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay para tiyakin na ligtas ang bansa na puntahan at mai-promote ang local tourism.

Sinabi ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ito ang naging kapasyahan ng Pangulo nang makipagpulong sa mga opisyal ng malalaking airline companies sa bansa at mga miyembro ng Tourism Congress of the Philippines.

Ilan daw sa mga napipiling puntahan ng Pangulo ay ang Boracay, Cebu at Bohol.

Inaasahan na rin ng kalihim na mawawalan ng P14.8 billion ang kita ng bansa magmula ng ipatupad ang travel ban dahil sa banta ng novel coronavirus.