-- Advertisements --
Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Audit (COA) na huwag ng pakialaman ang P5 millyon na ginastos para sa Hajj pilgrims na nakalaan ang pera sana sa rehabilitation ng Marawi City.
Ayon sa pangulo na ang Hajj o taunang pilgrimage ng Muslims sa Mecca Saudi Arabia ay mahalaga kaysa sa housing.
Alam aniya ang kaugalian ng muslim na mas mahalaga ang pilgrimage kaysa sa pagtatayo ng mansion.
Iginiit pa ng pangulo na dapat pahalagahan ang kultura.
Nauna rito lumabas sa audit report ng COA na mayroong P5-M sa bahagi ng P500-milyon na pondo ang ginamit sa pilgrims na ibinigay sa Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) sa pamamagitan ng Task Force Bangon Marawi.