-- Advertisements --
Duterte
Duterte on meeting/ FB image

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local chief executives ng bansa na huwag suwayin ang ipinapatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Sa inilabas na video message nitong Biyernes ng umaga na binigyang diin ng chief executive na mayroong national government na siyang nagpapatupad ng kautusan kaya dapat sumunod ang mga local na opisyal ng gobyerno.

Hindi aniya magdadalawang isip ang gobyerno na patawan ng kaso ang sinumang lalabag sa ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“I was a mayor myself, in case you have forgotten, but this is an emergency of national proportion and therefore it is the national government that should call the shots,” wika pa ng Pangulo.

Inilabas ng Pangulo ang panawagan ilang araw matapos payagan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga tricycle na mag-o-operate para may masakyan ang mga health workers dahil sa ipinatupad na lockdown.

Gayunman, kahapon nilinaw ni Mayor Sotto na susunod naman siya sa mga patakaran kung hindi pupuwede ang kanyang panukala.