-- Advertisements --

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga human rights group na pumupuna sa drug war ng gobyerno.

Sa kaniyang talumpati sa joint meeting ng national at regional task force to End Local Communist Armed Conflict sa probinsiya ng Quezon, sinabi ng pangulo na hindi nakikita ng grupo ang magandang naidulot ng drug war ng gobyerno.

Hindi aniya nakikita ng grupo ang benepisyo sa pagkasawi ng mga kriminal.

Hindi rin maitago ng pangulo ang pagkadismaya na ang mga pagkasawi ng mga kriminal ay siyang naipaparating sa International Criminal Court.

Ipinagmalaki rin ng pangulo na ilang daang katao na rin ang naaresto dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.