-- Advertisements --

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta dahil sa pagkuwestiyon nito sa pagpapabakuna sa mga bata laban sa COVID-19.

Sa kaniyang “talk to the people” nitong Lunes ng gabi, sinabi ng pangulo na dapat ay huwag ng idamay ni Acosta ang mga bata.

Iginiit nito na kung ayaw magpabakuna ng PAO chief ay solohin na lamang nito at huwag ng mandamay pa ng mga bata.

Magugunitang naghain ng petisyon sa Quezon City Regional Trial Court ang ilang mga magulang na kinakatawan ng PAO para pigilan ang pagpapabakuna sa mga edad lima hanggang 11-anyos.