-- Advertisements --
Duterte naia
President Rodrigo Roa Duterte

Binantaan muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tinaguriang ninja cops.

Sa kaniyang talumpati sa 45th Philippine Business Conference and Expo, sinabi ng chief executive kung inaakala ng mga tinaguriang ninja cops na sila lamang ang kayang maging masama ay dapat mag-isip silang mabuti.

Mas kaya aniya niyang maging “mas masama” para tuluyang masawata ang mga iligal na transaksyon ng mga ninja cops.

Magugunitang labis ang ikinagalit ng Pangulo ng mapabalitaang nire-recycle daw ang mga drogang nakukumpiska ng mga otoridad sa iba’t ibang anti-drug operations.