-- Advertisements --
Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mamamayan na naghahanap sa kaniyang presensya noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rolly.
Sa ginawang briefing sa mga cabinet officials, sinabi ng pangulo na hinintay niya lamang ng humupa ang bagyo bago makabalik sa Metro Manila at magsagawa ng inspeksyon sa mga nasalanta ng bagyo.
Kailangan aniya niyang umuwi dahil para dalawin sa sementeryo ang puntod ng kaniyang mga magulang.
Binanggit pa nito na kahit wala ito personal ay patuloy ang kaniyang pagmomonitor sa bagyo.
“So the fact na wala ako dito sa pagbagyo. Do you want me to stand doon sa white sand ni Roy Cimatu? Just to show that I am here?” wika ng pangulo.