-- Advertisements --

Inaasahan ang letters of intent (LOI) na iuuwi ni Pangulong Rodrigo Duterte pagkagaling nito sa Japan sa huling linggo ngayong buwan.

Sa panayam sa Malacañang, sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na nagpahayag ng interes ang Japan na palakasin pa ang kanilang pamumuhunan dito sa Pilipinas sa larangan ng electronics, tourism, manufacturing, energy, transportation at data analytics.

Ayon kay Sec. Lopez, hindi dapat balewalain ang mga negosyong gustong ipasok ng Japan sa Pilipinas dahil malaki ang maiaambag nito sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Malalaking kompanya aniya ang nauna na nilang nakausap at interesadong maglagak pa ng dagdag puhunan.

Si Pangulong Duterte at kanyang delegasyon ay nakatakdang dumalo sa 25th Nikkei Conference on the Future of Asia sa Tokyo mula Mayo 30 hanggang 31 ngayong taon.