Nakaalis na si Pangulong Rodrigo Duterte papuntang Sochi at Moscow, Russia para sa kanyang Official Visit doon.
Inaasahang darating si Pangulong Duterte sa Sochi bandang 4:25 ng madaling araw bukas, Oktubre 2, oras sa Pilipinas o 11:25 ng gabi ng Oktubre 1, oras sa Russia.
Kasama sa official delegation ni Pangulong Duterte sina DFA Sec. Teodoro Locsin Jr.; Executive Secretary Salvador Medialdea; DOF Sec. Carlos Dominguez III; Agriculture Sec. William Dar; Labor Sec. Silvestre Bello III; Defense Sec. Delfin Lorenzana; Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles; DTI Sec. Ramon Lopez; DENR Sec. Roy Cimatu; DILG Sec. Eduardo Año; Sec. Fortunato Dela Peña; Energy Sec. Alfonso Cusi; PCOO Sec. Jose Ruperto Martin Andanar; NSA Sec. Hermogenes Esperon; Presidential Spokesman Sec. Salvador Panelo at Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta.
Itinalaga naman ni Pangulong Duterte si Justice Sec. Menardo Guevarra bilang official-in-charge ng Ehekutibo habang siya ay nasa Russia hanggang Oktubre 6.
Kabilang sa highlights ng biyahe ni Pangulong Duterte sa Russia ang bilateral meeting nito kay Russian Federation President Vladimir Putin.
Haharap din si Pangulong Duterte sa ilang political at business forums saka makikipagkita sa Filipino community bago babalik ng bansa.