Nakatakdang bumiyaheng Moscow, Russia si Pangulong Rodrigo Duterte sa unang linggo ng Oktubre.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kasunod ito ng imbitasyon ni Russian Federation President Vladmir Putin.
Ayon kay Sec. Panelo, layunin nitong palalakasin ang bilateral relations ng Pilipinas at Russia.
Posible umanong mapag-usapan ng dalawang lider ang pagpapalakas at pagpapalawak ng defense cooperation ng Pilipinas at Russia.
Magugunitang ilang war ships na ng Russia ang bumisita at nagsagawa ng port call o goodwill visit sa bansa matapos ang unang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Russia noong 2017.
Sa nasabing biyahe, nagkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at Putin kung saan tinalakay ang security, defense at terrorism issue.
Napauwi naman agad si Pangulong Duterte dahil sa nangyaring pag-atake ng ISIS-Maute terror group sa Marawi City.