-- Advertisements --
Duterte visit Nograles
Pres. Duterte visits late Rep. Prospero Nograles/ Malakanyang photo

Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ni dating House Speaker Prospero Nograles.

Naging pribado at hindi na nagpa-unlak pa ng panayam ang pangulo matapos ang pagbisita nito sa Heritage Park sa Taguig, Linggo ng gabi.

Ang 71-anyos na si Nograles ay pumanaw nitong Sabado ng umaga dahil sa hirap sa paghinga at pneumonia.

Naging House Speaker ito mula 2008 hanggang 2010 noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Nanilbihan din ito bilang Representative ng unang distrito ng Davao City.

Ang pangulo at si Nograles ay naging mahigpit na magkatunggali sa loob ng mahigit dalawang dekada.