Binigyang-diin ng Malacañang na walang dapat ikabahala ang publiko kaugnay sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang isang linggong hindi pagkakaroon ng public engagement.
Magugunitang huling humarap sa publiko si Pangulong Duterte noong nakaraang Linggo para pangunahan ang pagsisimula ng Palarong Pambansa sa Davao City.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, abala lamang sa paper works si Pangulong Duterte sa Davao City kung saan napakarami umanong dokumento ang kanyang binabasa.
Magugunitang una ng inamin ni Pangulong Duterte na sumasailalim ito sa regular blood tests at treatment dahil sa Buerger’s disease.
Paulit-ulit namang sinasabi ng Malacañang na maganda ang kalusugan ni Pangulong Duterte at hindi dapat ikabahala ang hindi nito pagharap sa publiko.