Tulad ng nakasanayan, dadalawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga batang may cancer sa Davao City sa Disyembre 28.
Sinabi ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, hindi raw kasi nais ng pangulo na mawala sa kanyang schedule ang pagbisita sa mga bata na naka-confine sa ospital dahil sa sakit na cancer.
Ayon pa sa senador, hindi raw maitatanggi na malaki ang puwang sa puso ng pangulo ng mga batang may sakit.
Kaligayahan aniya ng pangulo na mabigyan ng inspirasyon ang mga batang may sakit lalo na at maabutan ang mga ito ng munting aginaldo.
Maliban sa regalo, inihayag ni Go na pagkakalooban din ng pangulo ng pagkain at munting entertainment ang mga batang may cancer.
Magugunitang sinusuportahan ng pangulo ang House of Hope sa Davao City kung saan kinukupkop at binibigyan ng atensyong medikal ang mga batang may ganitong kalagayan.