-- Advertisements --

Ipinagpaliban ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakda sanang pakipagpulong nito sa mga magsasaka sa North Cotabato bukas, araw ng Biyernes.

Sinabi ni Sen. Bong Go, imbes na mga magsasaka, bibisitahin ni Pangulong Duterte ang dalawang sundalong napatay at 20 iba pa na sugatan sa pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa Eastern Samar.

Ayon kay Sen. Go, walang kinalaman ang pagbabago ng schedule sa kalusugan ni Pangulong Duterte.

Si Duterte ay nagpapahinga sa Davao City pero nagtatrabaho pa rin umano.

Inihayag pa ni Sen. Go na sa katunayan ay ayaw ni Pangulong Duterte na magpahinga sa kabila ng payo ng kanyang mga doktor.