-- Advertisements --

Nakatakdang lalahok si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw na sa 27th APEC Economic Leaders’ Meeting sa pamamagitan ng video conference o virtual meeting.

Makakasama ni Pangulong Duterteang ang mga lider ng 21 member-economies ng APEC kung saan ay kanilang pag-uusapan ang usapin na may kinalaman sa health and economic impact ng COVID-19 pandemic gayundin ang isyu kaugnay sa mga ikakasang economic recovery efforts.

Asahan namang ilalahad ni Pangulong Duterte sa Economic Leaders’ Meeting ang adhikain ng Pilipinas kaugnay sa APEC’s post-2020 at posisyon ng bansa hinggil sa mga hamon na may kinalaman sa multi-lateral trading system.

Makakasama ng Chief Executive ang ilang Cabinet officials gaya nina Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddyboy” Locsin Jr. at Trade and Industry Sec. Ramon Lopez.

Ang mga 21 member-economies ng APEC ay kinabibilangan ng Australia, Brunei Darussalam, Canada, China, Hong Kong, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, Russian Federation, Singapore, Chinese Taipei, Thailand, America at Vietnam.